
Ang ideya na magsulat ng orihinal na kuwento tungkol sa ampalaya ay lumitaw nang maisip ni Augie na ang gulay na ito ay wala sa kilalang awit na Bahay Kubo. Mula nang inilimbag ang kuwentong Ang Alamat ng Ampalaya, nakapagsulat na siya ng mahigit 15 kuwentong pambata. Makailang ulit na rin siyang nagwagi ng Gantimpalang Palana para sa kaniyang mga kuwentong pambata sa Filipino at sa Ingles. Isa na rito ang Xilef, na nagwagi ng Ikatlong Gantimpala sa Kuwentong Pambata noong 1999. Isa siya sa mga tagapagtatag ng KUTING (Kuwentista ng mga Tsikiting), isang grupo ng mga Filipinong manunulat ng kuwentong pambata.