Si Genaro R. Gojo Cruz ay ipinanganak sa Balut, Tondo, Manila, pero lumaki sa Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan. Siya ay tumanggap ng mga parangal sa pagulat ng kuwentong pambata mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, PBBY-Salanga Prize, at Romeo Forbes Children's Story Writing Competition. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa De La Salle University - Manila. Ang Mahabang-mahabang-mahaba ang kaniyang ika-10 aklat pambata.