
Isa sa pinakamasigasig na manunulat na Filipino si Rene O. Villanueva. Nagsimula siya kumatha ng mga dula, kuwentong-pambata at sanaysay noong magtatapos ang dekada '70. Noong 2004, ginawaraan siyang pinakamahusay na Alagad ng Sining sa 2005 Gawad Chanselor sa UP. Kabilang siya sa unang batch ng manunulat na iniluklok sa hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Award for Literature; bukod sa may hawak ng dalawampu't siyam, pinakamaraming bilang ng natamong karangalan mula sa Palanca sa buong Kasaysayan ng timpalak.









