
Si Ferdz ay isang 3-D artist na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang lokal na animation studio. Mula pagkabata ay hilig na niyang magdrowing at manood ng cartoons. Siya ay nakaguhit na ng tatlong aklat, kabilang rito ang Ang Itim na Kuting na nagwagi para sa kaniya ng una niyang PBBY Illustrator's Prize.




