







Kilalanin ang pinakaunang
kasangkapan sa pahagdang
pagtuturo sa Filipino!
Bisitahin ang WiKAHON.com.
Ikalawang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino
Ikinalulugod na inaanyayahan ng Adarna House at Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University ang lahat ng guro, mananaliksik, at mag-aaral ng wika at panitikang Filipino sa paparating na Ikalawang Pambansang Kumperensiya sa Pagtuturo sa Filipino. Gaganapin ang kumperensiya sa ika-3 hanggang ika-5 ng Abril, 2013 (Miyerkoles hanggang Biyernes) sa Escaler Hall ng Ateneo sa Loyola Heights, Quezon City.
Almario, bagong chairman ng Komisyon ng Wikang Filipino
Nais naming magpaabot ng pagbati kay Virgilio S. Almario sa kaniyang pagkakatalaga bilang bagong chairman ng Komisyon ng Wikang Filipino! Si Virgilio S. Almario, isang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, ang tagapagtatag ng Adarna House. Kilala rin siya sa kaniyang mga akda bilang tagasaliksik ng panitikan at wika ng Filipinas, bilang guro, at bilang premyadong makatang Rio Alma.
3 titles included in NBDB’s Highly Recommended list
Metrobank Foundation’s Network of Outstanding Teachers and Educators (NOTED) chose 3 Adarna House titles to be part of the National Book Development Board’s list of Highly Recommended Supplementary Materials. The titles are Displaced (Aneka Rodriguez), Naku, Nakuu, Nakuuu! (Nanoy Rafael and Sergio Bumatay III), and WiKAHON.