Grades 4-6

Wala Kayo sa Paa Ko!


₱199.00

Story by María Solar
English translation by Maria Luisa P. Young
Filipino translation by Michael M. Coroza
Illustrations by Gusti

Si Melchor Sobrandúnong na siguro ang batang pinakamatalino sa buong planeta, o kung hindi man ay siyang pinakamatalino sa bansa o sa bayan niya. Napakatalino, lahat ay alam niya, alam niya ang lahat. Alam niya ang tungkol sa mga dinosaur, mammal, ahas, ilog at bundok, digmaan, hari, bitruin at planeta, astronaut, at halos kahit ano na puwedeng isipin. Kayâ naman masayáng-masaya siya nang makatanggap ng tawag mula sa paligsahang "Ang Paghahanap sa Batang Pinakamatalino." 

Unang inilathala sa Espanyol (Tengo unos piés perfectos), napili itong maisama sa White Ravens 2016. Sa edisyong ito ng Adarna House, kabilang ang libro sa Aklat ng Salin, mga pilîng aklat pambatà mula sa ibáng bayan na nagsasalaysay ng mga karanasang lalo pang makapagpapayaman sa balon ng sensibilidad at kaalaman ng mga batàng Filipino. Layunin din nitóng mapalawak ang karanasang pangkultura ng mga mambabasá sa pamamagitan ng pagtiyak na maiuugnay ng mga batà ang kaniláng sarili sa akdang binabása. Masinop ding isinalin ang bawat aklat sa seryeng ito upang maipamalas ang yaman at husay ng wikang Filipino sa pagsasalaysay ng mga dayuhang kuwento.

ISBN: 978-971-508-741-4
Published: 2019
Language: Filipino
Age Recommendation: 9+
60 pages | 160 grams | 6 by 9 inches

Related Products