Kuwarentena
Regular price ₱150.00
Sa ]Kuwarentena[ ang naging pangunahing trabaho ng makata na si Rio Alma, ang sagisa-panulat ni NA Virgilio S. Almario, ay dumukal sa napag-aralan niyang pambansang karunungang-bayan—ang mga alamat, awiting-bayan, epikong-bayan, kuwentong-bayan, pabula, salawikain, bugtong, tugmang pambatà, pamahiin, bulong at orasyon, kaugalian, pista’t ritwal—at pati sa kasalukuyang kulturang popular na inihahatid ng radyo, telebisyon, at pelikula. Kinailangan niyang itanghal ang kalidad ng katutubong tugma’t súkat at ang bisà ng tradisyonal na tinig ng panambitan at patalastas ngunit sa paraang naglalaman ng mga kalatas na pambansa at makabansa. Inihahalò niya sa mga ito ang edukasyon niya sa malayàng taludturan, tulang tuluyan (prose poetry), at pagtulang Kanluranin. Samantala, pinatalas niya ang himig na masayáhin, mula sa biro, tuksuhang barkada, kantiyawang kalye, siste, kuwentong barbero o kuwentong kutsero, sinaunang balintuna hanggang modernong parikala at satira upang itimpla sa madamdaming pangangaral. Pakinggan ang kuwento ni NA Virgilio Almario (o Rio Alma) sa pagbuo niya ng aklat na Kuwarentena na susundan din ng pagbasa niya mismo ng mga tula mula sa kaniyang aklat na "May Bagong Bayani ang Ating Panahon" at "Hard Lockdown sa Tundo."
Author: Virgilio S. Almario
Design and layout: Angeli Narvaez
Cover photo: Raymund "Mon" Sarmiento
ISBN: 9786218220010
Published: 2020
140 pages | 276 grams | 6 by 9 inches