Simulan ang taon kasama ang kalendaryong magpapaalala sa iyong buhay na buhay pa rin ang panitikang Filipino!
Bagong taon, bagong pag-asa, at bagong kuwentuhan kasama ang Isang Taon ng Kuwentong Adarna. Bukod sa mga petsa at pagdiriwang, bawat buwan ay nagtatampok din ng mga makukulay at kawili-wiling larawan mula sa mga kuwentong minamahal natin sa Adarna House. Labindalawang buwang puno ng kuwento at hiwaga—dito lamang sa kalendaryong ito makikita!