This piece is part of a series of short essays commemorating Adarna House’s 45th anniversary. It highlights the heart of the company through stories of employees who have been part of Adarna House for decades, showing how their dedication and passion have helped shape the company into what it is today.
Adarna House would not be where it is today without its employees and for the past four decades, this ship has sailed with a very tight crew. The company’s workforce of fifty-or-so employees has grown slowly over the past four decades with some of those employees having been part of the company almost since the beginning.
Why have these employees stayed so long with the company? Hear from some of our two, three, and four-decade employees themselves why so few people leave Adarna House and why so many stay for as long as they can.
Tina Bonanciar (employee since 1992)
Nagkataon na kapitbahay ko dati ang dating manager ng Adarna House, si Ramonito Lopez at nagtanong ako sa kaniya kung may available na posisyon sa Adarna House pagkatapos kong mag-graduate sa kolehiyo. Kakalipat lang ng Adarna House office sa Sct. Esguerra noon at pito (7) lang kaming empleyado noon. Unang trabaho ko ay bilang receptionist/secretary ng book shop at ni sir Rio.
Five years later, lumipat naman kami sa Sct. Limbaga at nalipat din ang pamamahala ng Adarna kay ma’am Lyn at ma’am Ani. Unti-unting dumami ang empleyado ng Adarna House, at nagkaroon na rin kami ng kauna-unahang Employee Manual ng kumpanya.
Marami na akong nadaanan na posisyon sa Adarna House: Receptionist, Accounting Bookkeeper, Senior Business Development Associate (in charge sa book shop for 12 na taon, tapos Region III, Pasig, at Marikina), tapos balik ulit sa Finance Department. Noong COVID-19 pandemic, inofferan ako ng early retirement at tinanggap ko. Noong natapos na ang pandemic, inofferan akong bumalik bilang Book Shop Assistant. Masaya kong tinanggap para makatulong sa minamahal kong Adarna House.
Naaalala ko noong bago pa lang ako, ako yung naka-assign sa registration area ng event ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) kung saan chairman si sir Rio. Doon ko nakilala at nakita ang mga iba’t ibang manunulat natin sa Pilipinas. Naaalala ko rin ang mga book fair sa eskwelahan at mga outreach programs ng Adarna House sa iba’t ibang komunidad. Nakarating narin ako sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, tuwing binibisita ko yong mga National Bookstore nationwide. Alam mo ba na walang pinagkaiba ang kislap ng mga mata ng mga bata sa manunulat, guro, at empleyado ng mga LGU, NGO, at National Bookstore kapag nakakita ng maraming maganda at bagong children’s books? Ipinagmamalaki ko na kayang ipalabas ng Adarna House ang katuwaan ng kahit sinong tao sa pagbabasa.
Sa higit-30 na taon, napapaligiran ako ng mga taong mabait, may respeto, at mapagkakatiwalaan. Kahit ang mga empleyado na may mataas na tungkulin ay hindi mahirap pakisamahan. Adarna House ang kaisa-isang kumpanya na pinasukan ko, at wala akong panghihinayang dito.
Xavier Gapaz (employee since 2000)
Noong 1999, ako ay textbook editor sa DIWA Scholastic Press, Inc nang nag-apply ako sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) bilang isang writer o editor. Si Sir Rio ang namumuno ng NCCA noon, at hindi man ako tinanggap sa NCCA, finorward ni Sir Rio ang aking resume kay Ma’am Lyn sa Adarna House, at doon ako nakapasok.
Nag-umpisa ako bilang writer/researcher at coordinator para sa Philippine Board on Books for Young People (PBBY). Ang opisina: isang townhouse sa 73A Sct. Limbaga, Barangay Laging Handa, QC (Trivia: kapitbahay ang basketbolistang si EJ Feihl).
Taong 2002, napunta naman ako sa Marketing. Ang opisina: 102 JGS Bldg, Sct. Tuason cor Sct. Dr. Lazcano, Brgy. Laging Handa, QC (Trivia: Katabi ito ng opisina ni Direk Joey Reyes).
Taong 2004 hanggang ngayon, nasa Sales Group / Business Development Group. Ang opisina: FSS Building, Sct. Tuason cor. Sct. Castor at napunta rin sa 109 Sct. Fernandez, Brgy. Sacred Heart, QC. Kung susumahin, 25 taon na akong bahagi ng pamilyang Adarna at kasamang tumira sa apat na tahanan ng kumpanya.
Dahil sa tagal ko na sa Adarna, maraming alaala: may maganda at may hindi kagandahan.
Noong unang mga taon ko sa Adarna, nandoon na tuwing papalapit na ang araw ng pasahod, literal na naghahagilap ng pampasuweldo sa mga tao. Alam ko ito, kahit hindi naman ako finance, dahil ganun kaliit ang grupo namin noon at ka-tight ang samahan. Pero hindi sumablay, kailanman, ang kumpanya na alagaan ang mga empleyado nito. Hindi nagkaron ng pagkakataon na hindi pumasok ang sahod ng mga tao. May mahaba pang kuwento tungkol dito, pero dito makikita ang pinagsamang malasakit ng pamunuan at pati na ng mga empleyado ng Adarna.
Marami na rin akong nakilala dahil sa Adarna. Mga nakasama sa pagtataguyod ng mga mithi at adhikain ng Adarna. Hindi maiiwasan, may mga umaaalis. Pero walang umalis na may masasabing hindi maganda tungkol sa kanilang pagtigil sa Adarna.
Marami nang pagbabago mula noong 2000: sa pamunuan ng pamilyang Almario, tauhan, at kumpanya in general. Si Ma’am Lyn ay hindi na aktibong bahagi sa pang-araw-araw na operasyon ng Adarna. Ang kauna-unahan kong boss sa Adarna, si Ani, na kasamang nagsimulang mangarap para sa Adarna, ay hindi maikakailang (at kahanga-hanga) sobrang dami nang responsibilidad sa labas ng Adarna. Ang kasalukuyang pangulo ng Adarna, si Ms. Asa ay siyang nagpapatuloy na itaguyod ang Adarna. Si Ags, ang dating inosenteng mag-aaral na pawisang naglalaro sa UPIS ay Chairman na ng Adarna at pangunahing tagapagtaguyod ng kumpanya.
Ang ama ng Adarna, dating Chairman, at dahilan kung bakit ako narito, si Sir Rio, ay nananatiling gabay ng Adarna.
Lumaki na ang tahanan ng Adarna. Nagbago na ang tauhan. Binago na rin ng panahon ang pang-araw-araw na operasyon ng kumpanya.
Sa kabila ng lahat ng mga pagbabagong ito, bakit nga ba nandito pa rin ako sa Adarna?
Maraming dating pangarap lang ang nagkatotoo na. Malayo na rin ang narating ng Adarna mula sa kung saan ito nagsimula (mula nung ako ay maging bahagi ng kompanya). Pero sa paglipas ng panahon, dala na rin ng pagbabago ng mundo, patuloy at palaging may mga bagong hamon na inihaharap sa Adarna. Mga hamon na dahil sa pagtutulungan ng pamunuan at mga tauhan, nalampasan at alam kong malalampasan at mapagtatagumpayan. At hanggang ngayon, kaisa ako sa pagsuong sa mga hamon na ito. Dahil sa huli, ang lahat ng ginagawa natin ay para sa batang Filipino.
Vanessa Estares (employee since 2005)
When I joined Adarna House in 2005, I had previously worked at a bank but already knew a lot of the people at the company. My best friend at the time was an Adarna House employee, and for the two years she worked at the company, she invited me to the Christmas parties. Yes, nag-attend na ako ng Christmas party bago pa ako maging isang empleyado ng Adarna House.
When I came in, we used to work in a small office along Sct. Tuazon and the book shop was just the size of a cubicle with too many books and not enough shelves. We eventually moved to larger and larger offices until we settled into the fully-Adarna-House-owned office we now have along Sct. Fernandez. Transferring to this office meant that the company was expanding—more employees every year, more formal HR systems. And yet, the environment changed but the culture didn’t.
I was a Marketing Associate and then Marketing Manager until 2018 while also fulfilling the role of HR Manager. ESA (Emelina S. Almario) offered me the full HR Manager position and gave me two months to decide. I was initially worried about being bored in the role after the constant campaigns and events of being in marketing, but I have found over the last several years that I enjoy being in HR. I love seeing other employees grow and being a guide on that journey. Also, na-miss ko rin ang weekends ko.
Why have I stayed after 20 years? I remember several months into my first role in Adarna House, I had a negative experience with a manager from a client company. I quietly accepted scolding and belittling because I was just a new hire and this was our client–sino ako to jeopardize our client relationship, 'diba?
But when I returned to the office, my boss at the time, Ani, had already heard all about it. She called up the manager and utterly defended me, a new hire. I couldn’t believe it.
Adarna House is family-run both in the literal sense but also in the corporate sense in a genuine way that I’ve never seen in any other company. The owners of Adarna House truly treat each employee like family and value us over rank, over the brand, even over profit. And as a 20-year employee and HR Manager, I can also say that it dictates how all the other managers treat the staff. Every leader in Adarna House thinks, “I will never treat my staff this way because the owners don’t treat us this way”.
If Adarna House was a company NOT run on integrity and kindness and fun and love for country, I would not be in this company anymore. But twenty years later, the culture hasn’t changed and I’ve stayed.
The story of Adarna House continues in upcoming essays. Like and follow us on Facebook and Instagram to catch the next release.