As part of our 45th Anniversary, we'd like to share with you these "Laking Adarna" stories. These are messages from friends of the company, beloved customers, and partners, whose lives have been impacted by our service as much as our House has grown from their support.
This second letter is from Augie Rivera, one of Adarna House's beloved book creators.
May core memory ako noong early 80's na may nagtitinda ng maninipis na librong pambata sa klasrum namin sa bahaing bayan ng Malabon. Pinag-iipon kami noon ng barya-barya mula sa baon namin (magkano na lang ba ‘yon?) para pagbalik ni ate o kuya na nagtitinda sa mga susunod na buwan ay makabili na kami ng anomang libro na magustuhan namin.
Ngayong taon, ika-45 taon na ng publisher ng maninipis na librong pambata na siya ring unang nagtiwala na ilunsad ang aking unang librong Alamat ng Ampalaya na patuloy pa ring inililimbag hanggang sa ngayon at nagdiriwang pa ng kaniyang ika-30 taon!
Sana, marami pang mga bata ang ma-inspire niyong mag-ipon para makabili ng kahit isang libro na kanilang mamahalin at paulit-ulit na babasahin. O kung hindi man kakayanin, magkaroon sana sila ng mas maraming pagkakataon na makapagbasa ng inyong mga libro nang libre sa mga aklatan sa kanilang bayan at eskuwelahan.
Maligayang 45 na anibersaryo at maraming salamat, Adarna House!
The story of Adarna House continues in upcoming essays. Like and follow us on Facebook and Instagram to catch the next release.