si Dyali Justo ay LAKING ADARNA

 

As part of our 45th Anniversary, we'd like to share with you these "Laking Adarna" stories. These are messages from friends of the company, beloved customers, and partners, whose lives have been impacted by our service as much as our House has grown from their support.

This fourth letter is from Teacher Dyali Justo, one of Adarna House's storytellers and facilitators.

 


Mahal kong Adarna House, 

 

Happy 45th anniversary!  

August 2007—halos labing-walong taon na pala tayong magkasama. At sa tagal ng panahong  iyon, hindi lang tayo naging magkaibigan, kundi para na rin tayong magkapamilya. Sa bawat  taon, napakarami kong naipong alaala, ngiti, at inspirasyon.  

Dahil sa mainit ninyong pagtanggap, sa tiwala at suporta ninyo, higit na lumawak ang mundo ko.  Napadpad ako sa iba’t ibang sulok ng Luzon, Visayas, at Mindanao—at minsan pa nga, umabot  hanggang Indonesia!  

Ang bawat pagkukuwento at workshop na aking na-facilitate—sa mga silid-aralan, parking lots,  arcades, mall, gitna ng bukid, sa tawid-ilog, at akyat-bundok—ay may hatid na kakaibang  karanasan. At bawat isa ay nakatatak sa puso ko.  

Isa sa mga hindi ko malilimutan ay noong nagpunta kami sa Placer, Masbate.  

Matapos ang isang workshop par sa mga guro, tumuloy kami sa isang komunidad para  magkuwento. Mahaba ang nilakad namin—maputik at madulas ang daan dahil katatapos lang ng  ulan. Tumawid kami sa isang mababaw na ilog at umakyat patungo sa isang makeshift na  learning space para sa mga bata. Isa itong kubo na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy, may  dingding na dahon ng niyog. Umulan pa habang nandoon kami, kaya iniisip namin na baka  kaunti lang ang dumating. Pero, madami sila!  

Nagsidatingan ang mga bata kasama ang ilang magulang. May mga naglakad, at may mga  dumating pa na nakasakay sa kabayo. Halatang naghanda sila—bagong paligo, malilinis ang suot  na sando at shorts, may baby powder pa sa mukha. Kimi ang kanilang ngiti, mga mahiyain pero  kita ang pananabik.  

Aminado ako, may kaba ako noon—baka hindi nila ako maintindihan kapag nagkuwento na ako.  Hindi ako bihasa sa kanilang mother tongue. Pero habang nagkukuwento ako, nakita ko kung  gaano sila katutok sa bawat salita. Nakikisabay sa galaw, sumasagot, tumatawa, at para bang  tingin nila ay may magic sa bawat pahinang nililipat ko.  

Matapos ang storytelling at nagsimula na kaming mamigay ng meryenda. Amoy na amoy ang  bagong lutong tinapay na binili naming sa baba. Tinikman nila, sinipsip ang chocolate drink, at  kita sa mukha nila ang tuwa.  

Pero may ilang bata na hindi agad kumain. Ibinilot nila ang mainit pang tinapay sa loob ng  kanilang sando. Ang chocolate drink naman, iniabot nila sa kanilang nanay. Akala ko, baka ayaw  nila. Kaya tinanong ko sila gamit ang limitado kong alam sa Cebuano:  

“Ngano di man mo mokaon? Wala mo gana? Busog na mo?” (Bakit hindi kayo kumakain?  Ayaw niyo ba? Busog kayo?)  

At ang sagot nila ang pumiga sa puso ko:  

“Dili po, among dalhon pauli para sa among mga manghod. Nabilin sinda sa balay.” (Hindi po, iuuwi po namin para sa mga kapatid namin. Naiwan sila sa bahay.) 

Grabe. Hindi lang kuwento ang naibahagi namin sa kanila—kundi isang karanasang sana’y  baunin nila habang lumalaki. Isang alaala ng pagmamalasakit, pag-asa, at pagmamahal.  

Napakarami pang ganitong karanasan ang iniingatan ko. Lagi kong babalikan ang mga ngiti,  halakhak, at mahigpit na yakap mula sa mga batang nakilala ko, at sa mga guro at magulang na  nakasama ko.  

Salamat, Adarna House—hindi lang sa mga librong humubog sa isip at damdamin ko at ng mga  batang nakikinig, kundi sa patuloy ninyong pagtitiwala sa aking kakayahan bilang storyteller at  facilitator.  

Maraming, maraming salamat po. Maligayang anibersaryo, at sana’y patuloy pa kayong maging  tahanan ng mga kuwentong may puso, diwa, at dangal.  

 

Mahal ko kayo,  

Dyali Justo 

Storyteller, Facilitator, Laking Adarna

 


The story of Adarna House continues in upcoming essays. Like and follow us on Facebook and Instagram to catch the next release.

Older Post
Newer Post

Leave a comment

Close (esc)

Popup

Use this popup to embed a mailing list sign up form. Alternatively use it as a simple call to action with a link to a product or a page.

Age verification

By clicking enter you are verifying that you are old enough to consume alcohol.

Search

Shopping Cart

Your cart is currently empty.
Shop now