Ngumiti si Andoy - Picture Book
Regular price
₱120.00
Sale price
₱150.00
Story by Xi Zuq
Illustrations by Dominic Agsaway
- 2014 Best Read for Kids, 3rd National Children’s Book Awards
- Grand Prize Winner – 2013 PBBY-Salanga Prize & 2013 PBBY-Alcala Prize
Andoy smiled.
This is the beginning of Andrew’s story, which starts at the Heroes Park. He just wanted to draw the statue of Andres Bonifacio when he discovers a few secrets in the life of the hero.
Ngumiti si Andoy.
Ito ang bungad ng kuwento ni Andrew, na nagsimula sa kanilang Heroes Park. Gusto lamang niyang iguhit ang estatwa ni Andres Bonifacio nang matuklasan niya ang ilang lihim sa buhay ng bayani.
ISBN: 9789715084659
Published: 2013
Language: Filipino (Tagalog) with English translation
Age Recommendation: 9+
32 pages | 100 grams | 7 by 9 inches
Citation from 2014 National Children's Book Awards:
Sa panahon ngayon na kung saan ang kasaysayan ay paksang napakahalaga o walang buhay naman sa iba, paano ba natin ito maituturo o maibabahagi sa mga bata?
Sa librong Ngumiti si Andoy, nagawang maitaas ang level ng imahinasyon ng batang mambabasa. Malikhain ang pamamaraang naisip ng may akda, gawing buhay na karakter sa kuwento ang bayani. Mabisa din ang palitan ng diyalogo ng bata at ni Andoy. Simple at angkop din ang mga drowing. Naipakita na si Andoy ay namuhay ng simple at tulad din ng iba pang mga karaniwang tao: may mga magulang, mga kapatid, asawa at simpleng pangarap.
Sa tingin ko dahil sa ‘koneksyong’ ito ay mas maiintindihan ng mga bata ang kuwento ni Andoy o ni Andres Bonifacio. Lalo ding maeenganyo ang mga bata na pag-aralang mabuti ang mga iba pang bayani ng ating kasaysayan.
(Citation written by Troy Lacsamana)