Kulo at Kolorum

Kulo at Kolorum

Regular price ₱200.00 Sale price ₱250.00

“Mapapansin ng sinumang sumubaybay sa Kulô at Kolórum sa internet na may isinagawa akong mga rebisyon sa aking teksto para sa librong ito. Una, binago ko ang ilang baybay dahil sa naganap ding pagbabago sa Ortograpiyang Pambansa (OP). Ano ang ibig kong sabihin? Ang OP ay hindi isang permanenteng bolyum ng mga tuntunin sa pagsúlat. Una, nagbabago mismo ang wika, kayâ tiyak na kailangang iagapay ang OP sa anumang makabuluhang pagbabago sa Filipino. Ikalawa, may mga tuntuning kailangan pang kinisin. Bagaman ang mga pangunahin at batayang tuntunin sa ortograpiya ay hindi basta nagagalaw, may mga tuntuning nangangailangan ng testing at dagdag na illustrasyon. Kung lumitaw na kulang ang tuntunin sa naganap na pagsubok, kailangang repormahin ang tuntunin. 

Dapat lalong asahan ang ganitong mga rebisyon at reporma sa OP hábang lumalawak ang aplikasyon nitó sa mga wikang katutubo ng Filipinas.

 Subalit nangangailangan ito ng nararapat na pananaw ng mga guro at manunulat sa Filipino. Mahirap ang kampanya sa estandardisasyon dahil maraming mga praktisyoner ng wika ang hindi nakahandang tumanggap ng pagbabago. Akala nilá, ang natutuhan nilá sa Balarila ay panghábang-panahon. [Ibáng problema naman ang mga Linggwistasero na ipinipílit ang konting alam sa Lingguwistikang Americano at hindi man lámang pinag-aaralan ang tradisyon at naging kasaysayan ng Wikang Pambansa, mula sa Tagalog nina Noceda at Sanlucar hanggang balarila ni Lope K. Santos, hanggang Pilipino nina Jose Villa Panganiban at PBP Pineda, hanggang sa Filipino ngayon.] May dalawang uri ng guro sa Filipino na kontra sa estandardisadong OP. Una, ang mga medyo senior citizens at kontento sa napagkatandaan niláng balarila. Ikalawa, ang mga kabataang titser na nalantad sa lingguwistikang kontra gramatika. Ang politika ng pagpapalambot sa sungay ng mga ayaw ng pagbabago ay isang malakíng sagabal sa mabilisang intelektuwalisasyon at modernisasyon ng wikang Filipino.” (Virgilio S. Almario)

Author: Virgilio S. Almario
ISBN: 9786219515870
Published: 2020
264 pages | 395 grams | 6 by 9 inches

 

Close (esc)

Popup

Use this popup to embed a mailing list sign up form. Alternatively use it as a simple call to action with a link to a product or a page.

Age verification

By clicking enter you are verifying that you are old enough to consume alcohol.

Search

Shopping Cart

Your cart is currently empty.
Shop now