Si Neil ay LAKING ADARNA

As part of our 45th Anniversary, we'd like to share with you these "Laking Adarna" stories. These are messages from friends of the company, beloved customers, and partners, whose lives have been impacted by our service as much as our House has grown from their support.

This letter is from Neil, handler of the famous Facebook page, Nakita sa Booksale Pero Hindi Binili.

 


 

19 Hunyo 2025

 

Dear Adarna,

Alam n’yo po, hindi ko masasabing lumaki ako kasama ang mga libro n’yo, kasi malaki na ako nang lubusan ko silang makilala at mabasa. (Hehe.) Kung tama ang natatandaan ko, 2015 ako unang nagbasa ng isa sa mga libro n’yo. Ito yung Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon ni Sir Egay Samar. At kung meron man akong nabasang children’s books na kayo ang naglimbag noong nag-aaral pa ako mula elementarya hanggang kolehiyo, hindi ko naman na maalala. Pasensya na po kayo.

Kung tutuusin, sampung taon na rin pala akong nagbabasa ng mga libro n’yo kahit papaano. Matagal na rin pala. Naririnig ko naman na po kayo dati, ang Adarna House/Books sa balita sa telebisyon dahil may parang storytelling activities kayo na ginagawa. (Tama po ba? Sorry po kung mali haha). Pero noong time na ‘to puro pag-aaral ang ginagawa ko. At puro textbooks pa ang binabasa ko n’on. Tingin ko may nabasa na akong children’s books na kayo ang nag-publish, mahirap na lang talagang alalahanin.

Anyway, dumating na nga po ang taong 2015. Nasa 20s na po ako nito at nagtatrabaho na. Nadiskubre ko ang Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon sa Goodreads. Marami akong nabasang mga rebyu ng ibang mga mambabasa na maganda raw ang libro at nagustuhan nila. Kaya may isang araw na bumili na rin ako ng kopya (sa NBS yata?). Nagandahan ako! Ang interesting ng kuwento at ang ganda ng pagkakasulat! And as a YA books enthusiast (ems), masaya ako na malaman noon na nagpapublish na rin pala kayo, ang Adarna House, ng young adult novels/books. Dito na po nagsimula ang grow up with Adarna books, actually, more on grow old hahaha.

Since mangha-mangha nga po ako sa Janus Silang book 1, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at binili at binasa ko rin agad ang book 2, yung Janus Silang at ang Labanang Manananggal-Mambabarang. As usual, gandang-ganda pa rin po ako. Ang problema ay wala pa ang book 3. Sa paghihintay, nag-explore ako ng ibang mga #AkdangPinoy. Kasama po rito ay yung ibang libro n’yo po: Detective Boys of Masangkay (Kailan po ang book 3? charot) at Jumper Cable Chronicles: Santa Anita na parehas ko ring nagustuhan. Around pandemic po ng nag-try ako ulit magbasa ng mga pinublished n’yong comics (through Anino Comics). (Yung comics version ng Janus Silang book 1 ang una kong nabasa). Dalawa po rito ay yung Liryo at Sandali. Phenomenal at talagang nakatulong sa akin sa panahon na para bang nilalamon na ko ng takot at kalungkutan dala ng COVID-19. Dala na rin ng curiosity ko sa iba n’yo pang comics, chineckout ko na rin sa orange app ang 12:01, Lost, Light, at Sixty Six comics noong nagkaextrang pera. Hanggang dumating sa punto na kapag may parating kayong comics tulad nung Josefina, Matabagka, My Ghost, Where’d You Go, Libing-Isa, atbp. ay hindi ako nagaatubiling mag-preorder kahit medyo masakit sa puso yung shipping fee pa-Bulacan. HAHA. Pero salamat sa code ni Sir Egay na ECSAMAR, nakakadiscount ako nang kaunti. 

Exciting tuwing may i-rerelease kayong mga libro sa MIBF dahil dito ko po kayo mas lalong nakilala, Adarna. Ang sarap tingnan ng mga libro n’yong nakadisplay sa mga istante at mga bagong libro n’yong ipinapakilala sa amin tulad nung Mars, May Zombie, Janus Silang sequels, Alon and Lila, Wayang Alimagnum at marami pang iba. Nakatutuwa rin ang mga staff n’yo na game na game na makipagchikahan tungkol sa mga libro n’yo at g na g ring mambudol eme. Nakakawala rin ng pagod kapag nakapagpapirma ng libro sa mga authors n’yo po. Truly, a wonderful experience!

Sa pagtatapos, masaya ako na nakilala (at nabasa) ko ang mga libro n’yo, Adarna. Hindi ko man naging paborito lahat, marami pa rin silang naitulong at naituro sa akin bilang isang mambabasa at bilang tao. Masaya ako na na-irerecommend ko ang mga libro n’yo sa mga kakilala at di kakilalang Filipino readers and non-readers sa personal man o through my FB Page. Masaya ako sa tiwalang ibinibigay n’yo sa akin. Alam n’yo na po kung ano ito hehe. Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala na aabot sa ganito. At masaya ako dahil you exist, Adarna exists, dahil ang laki ng naitutulong n’yo sa mga bata, sa mga feeling bata, at sa Filipino community in general.

Maraming salamat, Adarna House! At more power sa inyo!


Nagmamahal,

Neil

 


 

The story of Adarna House continues in upcoming essays. Like and follow us on Facebook and Instagram to catch the next release.

Older Post
Newer Post

Leave a comment

Close (esc)

Popup

Use this popup to embed a mailing list sign up form. Alternatively use it as a simple call to action with a link to a product or a page.

Age verification

By clicking enter you are verifying that you are old enough to consume alcohol.

Search

Shopping Cart

Your cart is currently empty.
Shop now